Last week I had a meeting with a senior officer from the Mongolian Immigration Agency, kung saan naitanong ko ang tungkol sa penalty for overstaying foreigners in Mongolia. Sabi nya walang standard daily penalty para sa mga overstaying foreigners sa Mongolia. Ang penalty ay kino compute on a case to cases basis ayon sa nakasaad sa batas, which is Mnt 300,000 to Mnt 1 million.
Naibahagi ko rin sa kanya ang problema ng ilang mga kababayan na andito, lalo na ng mga domestic workers, kaugnay ng work permits at visas. They are aware of this, kaya nga isa ito sa magiging laman ng pag uusap with the offcials ng Philippine Immigration Bureau, na bibisita sa Mongolia nitong September.
All the same, sabi nya na mahirap nga maging legal ang pag employ ng mga domestic workers dahil ang provisions sa labor law, ina-allow lang mag hire ng foreign workers kung mapapatunayan ang pangangailangan, kagaya ng mga trabahong nag rerequire ng expertise or skills na either kulang or wala sa mongolia at ang mga ito ay may kinalaman sa technology, education, atbpang pang professional jobs. Ang mga binibigyan ng permisong mag hire ng foreign workers ay mga registered organizations at mga business companies.
Eh bakit nakakalusot? Kung magkakaroon man ang domestic worker ng visa, yun ay dahil nadidiskartehan ng employer, lalo na yung may pera at may kapit. Ang foreign worker ay hindi di nire-register as domestic worker at ang kontratang pinapakita ay hindi nakasaad ang kanilang totoong position at gawain. Ganunpaman, ang bottomline, ito ay illegal dahil ang kontrata ay hindi mapanghahawakan bilang legal na document ng worker sa isang banda. May violation din ang employer sa pag hire illegaly.
Karamihan ng mga Mongolian employers ay pinipili na wag i register ng kanilang mga Pinoy na domestic workers. Usually dalawang main na dahilan. Una, mabusisi ang pag-apply sa pag hire ng foreign worker -- maraming requirements at medyo komplikado ang proseso, mga papeles na dapat ihanda, ilang government agencies ang dapat magbigay ng approval. Pangalawa, dapat mag babayad employer ng Work Placement Fee na equivalent sa doble ng sahod ng worker bawat buwan.
Mukhang kapwa pinag aaralan na ng Philippine and Mongolian governments ang mutual cooperation on labor and related matters. Inaasahan na magbubunga ito (sana) sa madaling hinaharap ng mas malinaw na patakaran na maging paborable sa pagpasok ng Filipino labor sa Mongolia.
Ang payo ni Tia Dely (ako yun hehehe) na sa ngayon, mas maigi siguro na iwasan either manghikayat, mag recomenda o magiging tulay sa pagpapasok ng mga kaibigan at kampag anak ng mga non-professional workers kabilang ang mga domestic worker sa Mongolia. Hintayin natin hanggat dumating ang panahon na magkaroon ng formal agreement or kasunduan ang Philippine and Mongolian governments sa usapin ng labor and employment.
Hindi kagaya ng mga Pinoy OFWs sa ibang, medyo mas dehado tayo dito sa Mongolia dahil:
a] walang kasunduan ang Philippine and Mongolian governments kaugnay ng labor hiring, etc. na maaring maging gabay sa mas maayos na proseso at ang maging kalagayan nating mga Pinoy OFWs dito sa Mongolia;
b] and pinakamalapit na Philippine Embassy na ating matatakbuhan ay sa Beijing - medyo malayo - altho inaasahan na ang pagkakaroon ng Honorary Consul to Mongolia (na nakabase sa Mongolia) ay magpapalakas ng kakayanan ng ating gobyerno na maka tugon at makatulong sa mga Pinoy dito;
c] maliit di hamak ang Pinoy community. although malakas ang bonding at willing tumulong, di nito kayang isabalikatt ang burden ng pag alaga at ayuda pag dumagsa ang mga nagkakaproblemang mga kababayan.
Sa muli...
Saturday, August 15, 2009
domestic workers, visas, penalty for overstaying foreigners in mongolia and related matters
Posted by stardust and moonbeams at 11:06 PM